Pinangunahan ng Philippine Rural Electric Cooperative Association (Philreca)ang programa para sa mga natatanging lineman na mabigyan ng Gawad Parangal dahil sa malaking kontribusyon nila sa pagpapailaw sa mga kanayunan. Ang linemen appreciaton day ay ginawa sa pamamagitan ng virtual meeting na dinaluhan ng 121 EC’s nationwide. Sa nasabing programa, nagpaabot ng mensahe ang ating kinatawan sa kongreso APEC Partylist Cong. Sergio Dagooc at PHILRECA Partylist Cong. Presley De Jesus. Isang empleyado ng TIELCO ang nabigyan naman ng Gawad Parangal para sa pinakamataas na pagkilala bilang isang Dakilang sundalo ng pailaw at ito ay sa katauhan ni Foreman VON E. TIRAZONA.
Pagkatapos naman ng pagtanggap ng gawad parangal na iginawad ng Philreca, ang TIELCO ay nagkaroon ng maikling programa para mabigyan din ng gawad parangal ang mga iba pang sundalo ng pailaw. Sa maikling programa na ginawa ng TIELCO ay nagpaabot ng mensahe ang mga Department Managers sa ating mga linemen at huling nagbigay ng mainspirasyong mensahe si General Manager Dennis L. Alag.