Matagumpay ang Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO) sa pagdaos na kanilang ika 36th virtual Annual General Membership Assembly (AGMA) nitong nakaraang sabado July 30, 2022. Ang nasabing virtual AGMA ay ginanap sa Virginia Centurione Bracelli School sa Brgy. Poctoy, Odiongan, Romblon na dinaluhan naman ng mga BAPA officers sa buong Tablas bilang manonood sa nasabing virtual AGMA kasama ang mga empleyado.
Ang mga municipal mayors, vice-governor, APEC and Philreca partylist, General Manager of Philreca ay nagpaabot din ng mga pagbati sa TIELCO sa pamamagitan ng video clip messages. Nagkaroon din ng awarding sa Best and Outstanding BAPA’s in Small, Medium and Large Category per Municipality. Natapos ang virtual agma sa pagpa-raffle sa lahat na nag rehistro online/pre-registration na mahigit Two Hundred Thirty-five Thousands (Php. 235, 000.00) cash prize ang naibigay sa mga nanalo at mapapalad na Member-Consumer-Owners (MCO’s) ng TIELCO.