TINGNAN : 𝐊𝐚𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧 ay dinaluhan ng aming 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐫 𝐧𝐚 𝐆𝐌 𝐃𝐞𝐧𝐧𝐢𝐬 𝐋. 𝐀𝐥𝐚𝐠, 𝐄𝐒𝐃 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐫, 𝐄𝐧𝐠𝐫. 𝐀𝐦𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐒. 𝐉𝐚𝐧𝐝𝐨𝐜 𝐉𝐫., 𝐚𝐭 𝐂𝐎𝐌𝐃 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐫, 𝐉𝐚𝐧 𝐉𝐚𝐝𝐞 𝐅𝐫𝐚𝐝𝐞𝐣𝐚𝐬 ang pagpupulong na ginanap sa Legislative Office kaugnay ng Committee Hearing na pinangunahan ni SB Manuel Dondon Fernandez. Ang nasabing pagdinig ay isinagawa bilang tugon sa mga naging pahayag hinggil sa mga insidente ng madalas at pangmatagalang pagkawala ng suplay ng kuryente na naranasan ng mga residente sa bayan ng Odiongan.
Sa naturang Committee Hearing, masusing tinalakay ang mga detalye ng mga naganap na ‘Power Interruption’ noong mga nakaraang araw, kabilang ang eksaktong oras ng bawat insidente, ang lawak ng mga apektadong lugar, at ang kabuuang tagal ng pagkawala ng suplay ng kuryente. 𝐈𝐩𝐢𝐧𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐮𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐢𝐩𝐚𝐛𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫-𝐂𝐨𝐧𝐬𝐮𝐦𝐞𝐫 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐛𝐥𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐨𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐚𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬, 𝐬𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 𝐨𝐮𝐭𝐚𝐠𝐞 𝐧𝐨𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬, 𝐚𝐭 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐜𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐥𝐚𝐭𝐟𝐨𝐫𝐦𝐬 𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚, 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐬𝐚 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐩𝐚𝐫𝐞𝐧𝐜𝐲 𝐚𝐭 𝐩𝐫𝐨-𝐚𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐜𝐮𝐬𝐭𝐨𝐦𝐞𝐫 𝐢𝐧𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐫𝐨𝐭𝐨𝐜𝐨𝐥𝐬.
Ipinaliwanag din ng pamunuan ang mga teknikal na dahilan ng pagkawala ng suplay ng kuryente, na kinabibilangan ng 𝘴𝘤𝘩𝘦𝘥𝘶𝘭𝘦𝘥 𝘱𝘰𝘸𝘦𝘳 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘳𝘶𝘱𝘵𝘪𝘰𝘯 na isinasagawa para sa mga planadong maintenance, system upgrading, at preventive works upang mapabuti ang kondisyon at kapasidad ng distribution system, gayundin ng 𝑢𝑛𝑠𝑐ℎ𝑒𝑑𝑢𝑙𝑒𝑑 𝑝𝑜𝑤𝑒𝑟 𝑖𝑛𝑡𝑒𝑟𝑟𝑢𝑝𝑡𝑖𝑜𝑛 na dulot ng mga biglaang system disturbance at hindi inaasahang mga fault sa linya. Dagdag pa rito, binigyang-linaw na ang ilan sa mga unscheduled power interruption ay sanhi ng mga panlabas na salik tulad ng pagdikit ng mga ibon, sanga ng puno, at mga hayop gaya ng tuko sa mga linya at electrical equipment, na nagiging dahilan ng awtomatikong pag-trip ng mga protective devices bilang bahagi ng safety mechanism ng sistema upang maprotektahan ang mga pasilidad at maiwasan ang mas malubhang pinsala.
Sa kabuuan, tiniyak ng pamunuan na ang kooperatiba ay patuloy na nagpapatupad ng mga teknikal na estratehiya upang masiguro ang ligtas, at maaasahang serbisyo ng kuryente sa Odiongan at sa iba pang bahagi ng Tablas Island.