Sa kasalukuyan, kami ay nagsasagawa ng masusing pagsusuri at pag-aayos ng mga nasirang linya ng kuryente na dulot ng malakas na hangin at ulan na dala ng #๐๐ฒ๐ฉ๐ก๐จ๐จ๐ง๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐. Ang mga operasyon ay saklaw ang buong lugar na nasa ilalim ng pangangasiwa ng TIELCO, at ang aming mga tauhan ay walang tigil na nagtatrabaho upang matukoy ang kabuuang pinsala at agad na maisakatuparan ang mga kinakailangang pagkukumpuni. Ang bagyo ay nagdulot ng malawakang pagkawala ng kuryente at matinding pagkasira ng imprastraktura, lalo na sa mga linya ng kuryente at poste. Dahil dito, ang mga lugar na malubhang naapektuhan ay masusing kinukumpuni upang mabilis na maibalik ang suplay ng kuryente sa mga komunidad.
Ang aming mga tauhan ay nag-aayos ng mga nasirang linya, sinusuri ang mga poste at transformer, at tinitiyak na ligtas at matatag ang mga ito upang maiwasan ang mga insidente sa hinaharap. Ang proseso ng pagkukumpuni ay maaaring magtagal dahil sa mga pinsala, ngunit ang aming layunin ay matiyak ang kaligtasan at kalidad ng serbisyo habang binabalik namin ang kuryente. Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong ๐ฝ๐ฎ๐๐ฒ๐ป๐๐๐ฎ, ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด-๐๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ธ๐ผ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป habang ang aming mga koponan ay patuloy na nagsusumikap upang ganap na maibalik ang serbisyo sa lahat ng apektadong lugar.
Maraming salamat po.
#tielcocares
#TyphoonUpdate
#typhoonkristine
SOURCE FB: TIELCO