National Linemen Appreciation Day | August 02, 2021


AUGUST 2, 2021 – Kasama ang TIELCO ng lahat ng mga electric cooperatives sa buong Pilipinas sa sabayang pag-gunita ng 2021 National Linemen Appreciation Day.
 
Isang pagsaludo sa sipag, tiyaga, dedikasyon at pagsasakripisyo, araw man o gabi, sa lahat ng pagkakataon at sa kabila ng kinakaharap nating pandemya ay nagpapatuloy ang ating mga warriors of light upang makapag bigay ng isang maaasahan at tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa ating mga tahanan at establisyemento.
 
Sapagkat, madalang makarinig ang ating mga linemen ng salitang “salamat” ang araw na ito ay inaaalay bilang pagpupugay sa kanilang pagsusumikap at pagmamahal sa trabaho. Dalangin namin ang patuloy ninyong kalakasan ng pangangatawan at pag-iingat sa pang araw araw na trabaho.
 
Kayo ay maituturing na mga bayani, mga sundalo ng pailaw. Ang puso ng rural electrification movement, naghahatid ilaw at pag-asa. Maraming salamat TIELCO warriors of Light at sa lahat ng mga lineman sa rural electrification movement mabuhay po tayong lahat!