APPLICATION FOR NEW CONNECTION (STEP-BY-STEP)
MGA KAILANGAN SA PAG-APPLY NG KURYENTE
1. Electrical Plan at Electrical Permit na pirmado ng isang Professional Electric Engineer (PEE) at aprobado ng Municipal Engineer ng inyong bayan.
2. Certificate of Final Electrical Installation (CFEI) na pirmado ng RME at aprobado ng Municipal Engineer ng iyong bayan.
3. Fire Safety Inspection Certificate
4. Dalawang (2) piraso ng 1×1 picture
5. Application form na galing sa opisina ng TIELCO
5.1 Membership Form (kung magpapamember pa lang)
5.2. ID card at Index Card
5.3. Initial Load Inventory
5.4 Right of Way
5.5 Contract of Service
PROSESO SA PAG-APPLY NG KURYENTE
1. Magpa-instol sa ‘Accredited Electrician o Registered Master Electrician (RME)‘ sa inyong lugar.
2. Magpagawa ng plano ng inyong instolasyon sa inyong kinuhang Electrician.
3. Kumuha ng ‘Fire Safety Clearance‘ sa Kawanihan ng pagtatanggol sa Sunog (Bureau of Fire Protection).
4. Magpa-aprob ng ‘Electrical Permit at Certificate of Final Electrical Inspection‘ sa Munispyo ng inyong bayan.
5. Kumuha ng BAPA Clearance sa inyong BAPA (kung nasasakupan ng BAPA).
6. Magseminar sa tanggapan ng TIELCO o sa pinakamalapit na Service Center sa inyong lugar (Alamin ang itinakdang araw ng pagseminar).
7. Sa mga mag-aaply sa paglipat ng metro, siguraduhin muna ang instolasyon sa inyong gusali bago mag apply para sa pagsisiyasat.
MGA HAKBANG SA PAG-APPLY NG KURYENTE
1. Ipasa sa tanggapan ng TIELCO ang ‘Approved Electrical Plan‘, ‘Electrical Permit at Certificate of Final Electrical Inspection‘, ‘Fire Safety Clearance‘, BAPA Clearance (kung BAPA) para masiyasat ang aaplayang koneksyon at maitakda ang araw ng pagsisiyasat.
2. Kumuha ng aplikasyon para sa pag-apply sa bagong bahay/komersyo at iba pa sa tanggapan ng TIELCO at mag-apply ng ‘Inspection’ para masiyasat ang nasabing instolasyon at lagayan ng Metro (Service Entrance).
3. Hintayin ang itinakdang araw ng pagsisiyasat sa inyong bayan.
4. Kumpletuhin at ipasa ang binigay na aplikasyon at lahat ng kailangan sa pag-apply ng kuryente pagkatapos ng pagsisiyasat.
5. Magbayad ng ‘connection fee’ at iba pang bayarin sa itinakdang araw na ibinigay pagkatapos ng pagsisiyasat. (Kapag hindi nakabayad sa itinakdang araw ng inyong lugar matapos ang pagsisiyasat, maaring magbayad sunod na itinakdang araw ng pagbayad.)
Paalala:
Kapag nareject sa araw ng pagsisiyasat, ipaayos sa inyong kinuhang Electrician ang dahilan ng rejection base sa binigay na impormasyon ng aming inspector, kapag ito ay naayos na ng inyong electrician maaring ipaalam sa tanggapin ng TIELCO para maitakdang muli ang pagsisiyasat.
KAILANGANG BAYARAN:
NEW CONNECTION (MAGNA CARTA)
BILL DEPOSIT | PHP 600.00 |
CONNECTION FEE | PHP 100.00 |
SERVICE FEE | PHP 50.00 |
INSPECTION FEE | PHP 50.00 |
MEMBERSHIP FEE | PHP 5.00 |
ID LAMINATION | PHP 20.00 |
12% VAT | PHP 26.40 |
TOTAL | PHP 851.40 |