SEP 2023 Sitio Binoog, Brgy. Hinugusan, San Agustin, Romblon Energization | August 15, 2024


Ang TIELCO-SEP(Sitio Electritication Program) Project 2023 ay matagumpay na nagbigay liwanag sa Sitio Binoog, Barangay Hinugusan, San Agustin, Romblon kahapon Agosto 15, 2024. Ang makasaysayang araw na ito ay dinaluhan ng mga Brgy. Officials sa pangunguna ni Brgy. Captain Duroy, BAPA officers sa pamumuno ni BAPA-Chairman Minion. Kasama rin ang mga masisipag na empleyado ng TIELCO na nagtrabaho upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Ang pagpa-ilaw ng BAPA- Binoog ay pormal na binuksan ni Director Khaled Morada, na nagbigay ng inspirasyon sa lahat ng dumalo. Isang MCO nga ang nagsabi na ang pagkakaroon ng kuryente sa kanilang lugar ay parang suntok sa Buwan, ngunit ngayon, ito’y isang katotohanang kanilang tinatamasa.

Salamat sa lahat ng naglaan ng kanilang oras at pagod para maisakatuparan ang proyektong ito. Sama-sama nating ipagdiwang ang tagumpay ng TIELCO-SEP Project 2023 at ang bagong liwanag sa BAPA-Binoog! 💡



SOURCE: FACEBOOK