NOTICE: Unauthorized Use of TIELCO Poles for Internet/CCTV Cables – Removal in 15 Days Without Pole Use Contracts | July 31, 2024


PABATID SA LAHAT NA KINAUUKULAN:

Ayon sa ginawang pag-iikot ng mga teknikal na mga kawani ng TIELCO, atin pong nalaman na madaming indibidual ang naglagay o gumamit ng mga poste ng TIELCO upang pagdaluyan ng mga
kable ng internet lines at mga CCTV apparatus na walang kaukulang permiso o pole use contract na isinagawa sa pamunuan ng TIELCO. AngPole Use Contract ay nagsasaad ng alintutunin sa tamang paglagay ng mga kable at apparatus sa linya ng kuryente upang maiwasan ang anumang sakuna na ihahatid nito lalot higit sa mga linemen na umaakyat sa poste araw araw. Mahigpit ding ipinagbabawal ang paglagay ng signage at pagpako nito sa mga poste ng kuryente.

Mangyaring makipag ugnayan sa punong himpilan ng TIELCO ukol dito. Pagkatapos ng labing limang (15) araw simula sa kalatas na ito at wala kaming matangap na abiso mula sa inyo, lahat na illegally connected na communication lines at CCTV apparatus ay aming tatanggalin sa mga poste ng TIELCO.
Para sa inyong kaalaman.