TINGNAN: Isang poste ng kuryente ang naputol at nabuwal kasama ang pagkasira ng ilang kabahayan at istraktura matapos itong madaanan ng isang malaking ipo ipo o buhawi sa Bgy. Agpudlos, Bayan ng San Andres bandang tanghali ngayong araw. Makikita sa larawan ang ilang bahay na lubhang pininsala ng nasabing ipo ipo kasama ang ilang punongkahoy na nabunot sa kinatatayuan nito.