TINGNAN: Sa kasalukuyan, isinasagawa ng TIELCO Construction Team ang linya ng kuryente patungo sa bagong pagkukunan ng tubig ng Odiongan Water District (OWD) sa Bgy. Rizal | April 16, 2024


TINGNAN: Sa kasalukuyan, isinasagawa ng TIELCO Construction Team ang linya ng kuryente patungo sa bagong pagkukunan ng tubig ng Odiongan Water District (OWD) sa Bgy. Rizal, Odiongan upang matugunan pansamantala ang krisis sa tubig na nararanasan ng bayan ng Odiongan.
 
Ang ginagawang linya ng kuryente ay bahagi ng pakikiisa ng TIELCO sa isinagawang pagpupulong noong nakaraang araw kung saan pinangunahan ni Odiongan Mayor Trina Firmalo Fabic ang isang emergency na pagpupulong sa mga ahensyang makakatulong na agarang tugunan ang krisis sa tubig sa bayan ng Odiongan