PORMAL NA PINASINAYAAN NINA MAYOR RIZA GALICIA-PAMORADA, MD, ENGR. DENNIS ALAG NG TIELCO, AT DISTRICT DIRECTOR EDDIE FRONDA ANG ELECTRIFICATION PROJECT SA SITIO TAGHOY B, BARANGAY CALAGONSAO | OCTOBER 13, 2023


Ngayong araw ay pormal na pinasinayaan nina Mayor Riza Galicia-Pamorada, MD, Engr. Dennis Alag ng TIELCO, at District Director Eddie Fronda ang Electrification Project sa Sitio Taghoy B, Barangay Calagonsao.
Maraming salamat, Cong. Budoy Madrona sa inyong tulong upang maisakatuparan ang pangarap ng mga taga sitio na magkaroon ng kuryente sa kanilang lugar. Dahil dito ay inaasahan ang malaking epekto ng proyekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayan ng Sitio Taghoy B.