TINGNAN: Opisyal na isinagawa ang Switch On Ceremony sa Sitio Upper Campong sa Bayan ng Sta Fe, Romblon | SEPTEMBER 15, 2023


TINGNAN: Opisyal na isinagawa ang Switch On Ceremony sa Sitio Upper Campong sa Bayan ng Sta Fe, Romblon ngayong hapon kung saan labingdalawang (12) bahay ang nabigyang biyaya ng libreng pailaw bilang bahagi ng Sitio Electrification Program ng pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng National Electrification Administration.
 
Pinangunahan ni General Manager Dennis L. Alag, Sta. Fe-San Jose District Director Mob Gusi, mga Department Managers ng TIELCO at iba pang opisyales nito ang pagpasinaya na ginanap sa bahay ng isang MCO beneficiary sa nasabing lugar.