SITIO UPPER MANTALUNAN PORMAL NG PINAILAWAN | SEPTEMBER 19, 2023


SITIO UPPER MANTALUNAN PORMAL NG PINAILAWAN
Masayang tinangap ng labinglimang recepient ng Sitio Electrification Program (SEP) sa Sitio Upper Mantalunan, Bgy. Progreso Este sa bayan ng Odiongan ang opisyal na Switch Ceremony na ginanap
kahapon Septyembre 18, 2023 sa nasabing lugar.

Ang Upper Mantalunan ay isa sa benepisaryo ng 2022 SEP Program ng pamahalaan na kung saan ang 16 na sitio sa coverage area ng TIELCO ay binigyan ng pondo upang malagyan ng linya ang mga natitirang malalayong sitios na wala pang serbisyo ng kuryente. Kasama sa SEP Project ang paglagay ng libreng housewiring sa loob ng mga bahay ng indigent beneficiaries at free labor.