SITIO MASIGLA, PORMAL NA PINAILAWAN NGAYONG HAPON | SEPTEMBER 22, 2023


(September 22, 2023) Lugod ang galak ng mga residente ng Sityo Masigla ng Barangay Malilico sa Bayan ng Odiongan, Romblon matapos na ginanap ang Switch on Ceremony sa nasabing lugar ngayong hapon.
Pinangunahan ng mga Barangay Officials at kawani ng TIELCO ang programang isinagawa kung saan labing isang bahay ang nabigyang biyaya ng libreng pailaw na hatid ng pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng National Electrification Administration (NEA) sa pamumuno ni Administrator Antonio Mariano C. Almeda , na nagpapatupad ng Sitio Electrification Program na layun na lagyan ng linya ng kuryente ang mga natitirang bahagi ng prangkisa ng mga electric cooperatives sa buong bansa na walang pang serbisyo ng kuryente at mabigyan ng libreng pailaw ang mga bahay ng indigent na residente.