SITIO BINOOG AT CANLUBANG SA BAYAN NG SAN ANDRES, ROMBLON, PORMAL NA PINAILAWAN NGAYONG ARAW | SEPTEMBER 15, 2023


SITIO BINOOG AT CANLUBANG SA BAYAN NG SAN ANDRES, ROMBLON, PORMAL NA PINAILAWAN NGAYONG ARAW

(September 14, 2023) Magkasunod na isinagawa ngayong araw ang Switch On Ceremony sa Sitio Canlubang, Bgy. Linawan at Sitio Binoog, Bgy. Victoria sa Bayan ng San Andres, Romblon, kung saan labing-apat (14) na bahay sa Sitio Canlubang at animnaput isang (61) bahay sa Sitio Binoog ang napailawan at nabigyan ng free housewiring materials at labor cost sa pamamagitan ng Sitio Electrification Program na pinapatupad ng nasyonal na pamahalaan sa pamamagitan ng National Electrification Administration (NEA) na pinapamahalaan ni Administrator Antonio Mariano C. Almeda.

Pinangunahan ni Romblon Congressman Eleandro Jesus F. Madrona kasama sila San Andres Mayor Arsenio Gadon, Vice Mayor Joel Ibañez at mga Sanguniaang Bayan Members at lahat na 13 Bgy Captains ng San Andres ang pormal switch on ceremony kung saan ang mga panauhin ay nagbigay ng kanilang mga mensaheng pasasalamat sa pagpapailaw ng nasabing mga Sitios.

Nagbigay naman ng mensahing galak sila Bgy Victoria Captain Patricio Galibo at BAPA Chairman Don Musca III sa nangyaring pagpapasinaya dahil matutupad na nila ang hangaring maipaunlad ang turismo sa Sitio Binoog na tinaguriang Little Baguio ng Tablas Island dahil sa natatangi nitong ganda.