TREE PLANTING AT LINE CLEARING ACTIVITIES MAGKASABAY NA ISINIGAWA NG 121 ELECTRIC COOPERATIVES SA BUONG PILIPINAS NGAYONG ARAW | AUGUST 24, 2023


TREE PLANTING AT LINE CLEARING ACTIVITIES MAGKASABAY NA ISINIGAWA NG 121 ELECTRIC COOPERATIVES SA BUONG PILIPINAS NGAYONG ARAW
 
(August 24, 2023) Sa pangunguna ng mga opisyal at kawani ng National Electrification Administration ( NEA) sa pamumuno ni NEA Administrator Antonio Mariano C. Almeda na nagsagawa ng tree planting activity sa Bgy. Malitlit, Lipa City ngayong araw, sabay sabay ding nagsagawa ang 121 Electric Cooperatives ng Tree Planting at Line clearing activities sa buong Pilipinas ngayong araw bilang bahagi ng taunang paggunita ng National.Electrification Awareness Month (NEAM).
 
Ang pamunuan at mga kawani ng TIELCO ay nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Sitio Busay, Bgy Tuburan, Odiongan ngayong umaga kung saan ito ay nakapagtanim ng 50 Pili Nut Trees ang 50 pirasong Blueberry seedlings na ibinigay ng Provincial Government ng Romblon sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office.
Kasabay ding isinagawa nang maintenance crew ang line clearing activities sa buong coverage area ng TIELCO ngayong araw.