PINAKAMATAAS NA DEMAND NG KURYENTE, NARANASAN NGAYONG ARAW SA TABLAS ISLAND | APRIL 19, 2023


Naitala ngayong araw ang pinakamataas na demand sa kuryente sa isla ng Tablas base sa datos na naitala ngayong taon at sa mga nakaraang taon. Ngayong Abril 19, 2023, tatlong magkakasunod na peak load ang naitala sa mga sumusunod na oras:

9,863 KW (10:37 AM)
10,000 KW (3:00 PM)
9,570 KW (6:43 PM)

Base sa forecast ng TIELCO, inaasahang aabot sa 10,000 kw ang magiging demand ngayong Abril hanggang Hunyo ngayong taon. Alinsunod sa ulat ng PAG-ASA, naitala ngayong araw ang pinakamainit na panahon na umabot sa 47 degrees, na marahil naging sanhi ng mataas na demand.
 
Dahil sa pagtaas ng pagamit ng kuryente, bahagyang numipis ang reserve ng SUWECO Tablas Energy Corporation na may dependable Diesel Capacity sa kasalukuyan ng 11,050 kw at 2,400 kw na Battery Energy Storage System. Maliban dito, nakakatulong din sa araw ang 5.8 Megawatt peak na Solar Plant ng STEC sa daytime demand sa Tablas Island.