CEREMONIAL SWITCH ON CEREMONY ISINAGAWA NGAYONG HAPON SA SITIO UPPER PAG-ASA, BGY. BALOGO, CALATRAVA | APRIL 24, 2023


Pormal ng pinailawan ngayong araw ang Sitio Upper Pag-asa, Bgy. Balogo, Calatrava na isa sa mga Sityong benepesaryo ng Sitio Electrification Project ng gobyerno sa Lone District of Romblon.

Pinangunahan ni Romblon Lone District Congressman Atty. Eleandro Jesus F. Madrona ang switch on ceremony na ginanap sa Balogo National High School ngayong hapon Abril 24, 2023 na dinaluhan din nila Romblon Vice-Governor Armando Gutierrez, Sanguniang Panlalawigan Second District Members Rubelyn R. Solis at Dr. Venizar Maravilla, Mayor Marietta F. Barbierra ng Bayan ng Calatrava at Punong Barangay Juliet Sixon at kanyang mga Kagawad ng Barangay Balogo.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Cong. Madrona ang kahalagahan ng serbisyo ng kuryente sa kaunlaran na tinatamasa ngayon ng mga pamayanan at hinikayat nito ang mga magulang at mag-aaral na gamitin ang serbisyo ng kuryente hindi lang sa pambahay n pangangailangan kundi sa pagpapaunlad din ng mga kabuhayan nito.
Pormal na pinakilala ni TIELCO General Manager Dennis L..Alag si Cong. Madrona at binangit nito ang mahalagang kontribusyon ni Cong. Madrona sa Rural Electrification Program sa Isla ng Tablas at San Jose.

Kasabay ding isinagawa ang distribusyon ng Educational Assistance sa 22 mag-aaral ng Balogo National High School.