BFP ODIONGAN NAGSAGAWA NG FIRE DRILL SA TANGAPAN NG TIELCO | DECEMBER 12, 2022


Nagsagawa ngayong umaga ang Bureau of Fire Protection ng fire drill sa punong tangapan ng TIELCO sa bayan ng Odiongan, Romblon upang bigyang kahandaan ang mga kawani nito sa pangunahing gagawin sakaling may kalamidad na nangyari kagaya ng di inaasahang sunog. Pinangunahan ng TIELCO Safety Officers 3 at SO2 na sina Joey Vestido at Leo Alladin ang pakipagugnayan sa pamunuan ng BFP Odiongan upang maisagawa ang naturang pagsasanay.