Ngayong umaga ay nakiisa at nakisaya ang TIELCO sa isinagawang ‘Trick or Treat’ para sa mga anak ng empleyado ng Romblon Provincial Hospital (RPH) bilang isa sa Corporate Social Responsibility Program ng TIELCO ngayong buwan ng Nobyembre na pinangunahan ng ating General Manager Dennis L. Alag. Namahagi po tayo ng mga ‘candies at biscuits’ sa mga bata na nakasuot ng nakakatuwang halloween costumes para sa trick or treat.