𝗧𝗜𝗘𝗟𝗖𝗢 𝗔𝗧 𝗧𝗘𝗠𝗖 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗚𝗜𝗙𝗧 𝗚𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗧𝗜𝗢 𝗔𝗨𝗥𝗢𝗥𝗔, 𝗕𝗚𝗬. 𝗣𝗔𝗧𝗢𝗢, 𝗢𝗗𝗜𝗢𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗔𝗟𝗜𝗡𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 | 𝗢𝗖𝗧𝗢𝗕𝗘𝗥 𝟮𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟮


TINGNAN: Matagumpay na naidaos ang gift giving program ng TIELCO at TEMC sa sitio Aurora, Bgy. Pato-o, Odiongan, Romblon nitong araw lang ng huwebes October 20, 2022. Ang nasabing gawain ay pinangunahan ni TIELCO General Manager Dennis L. Alag at TEMC General Manager Vivian O. Gaac, kasama si ESD Manager Engr. Amante S. Jandoc Jr. at mga iba pang mga empleyado. Ang gawaing ito ay
bilang partisipasyon ng TIELCO at TEMC sa pagdiriwang ng “National Cooperative Month” ngayong buwan ng Oktubre. Ang ginawang paghahanda naman sa nasabing aktibidad ay namahagi tayo ng mga school supplies, tsinelas at nagpakain sa mga batang estudyante ng Aurora Elementary school at mahigit 61 na mag-aaral ang nabigyan nito. Namahagi din po tayo ng mga lumang damit, sapatos, bag at iba pa, para sa mga magulang. Laking pasasalamat naman ng kanilang head teacher na si Mrs. Liza Dalisay na sila ang napiling eskwelahan para sa pamamahagi ng nasabing gawain. Sa ginanap na short program sa loob ng paaralan ay humingi ng kaunting pabor ang ating mga guro sa pamunuan ng TIELCO na kung puwedeng dagdagan at palitan ang mga lumang ilaw sa loob at labas ng paaralan, at itoy sinang-ayunan din naman kaagad ng ating butihing GM Alag. Masaya at hindi makakalimutang karanasan naman ang iniwan ng nasabing gawain para sa mga empleyado ng TIELCO na kahit malakas ang ulan at may pagbaha ay hindi ito naging hadlang sa kanila para matapos ng matagumpay ang nasabing programa. Maraming salamat po sa lahat na nakiisa.