๐—”๐—ฃ๐—˜๐—– ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—ฌ-๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—ง ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜: ๐— ๐—”๐—ก๐——๐—”๐—ง๐—ข ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ฅ๐—˜๐—”๐—จ ๐—ข๐—™ ๐—–๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐— ๐—ฆ ๐—ก๐—” โ€œ๐—™๐—œ๐—ซ๐—˜๐—— ๐—ฅ๐—”๐—ง๐—˜โ€ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐—ช๐—œ๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—–๐—ข๐—”๐—Ÿ ๐—œ๐— ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ, ๐——๐—”๐—š๐——๐—”๐—š ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—ช๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐—ก๐—ง๐—˜ ๐—ก๐—š ๐—ž๐—จ๐—ฅ๐—ฌ๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜ | ๐—ฆ๐—˜๐—ฃ๐—ง๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฎ


Nagbabala si APEC Party-List Representative Sergio Dagooc tungkol sa mandato ng Bureau of Customs Assessment and Operations Coordination Group (AOCG) Memorandum No. 242-2022 na magpataw ng fixed rate na 319 USD kada metric ton sa tax assessments sa coal imports ng mga planta ng kuryente.

Sa kanyang privilege speech ngayong 19 Setyembre, nilinaw ni Rep. Dagooc na lubos na apektado ang sektor ng enerhiya sa mandatong ito na posibleng maging sanhi ng lalong pagtaas ng singil sa kuryente.

โ€œKapag tumaas po ang buwis sa pag-aangkat ng coal na siyang panggatong sa ating mga planta na nagsusuplay ng kuryente, ay tataas din po ang magiging bayarin sa kuryente, sapagkat ito po ay ipinapasa lamang ng mga planta sa konsumante bilang generation charges. At kung susuriin po ninyo ang inyong electric bill, mahigit 55% ng inyong bill ay napupunta sa mga power suppliersโ€”taga-kolekta lang po ang mga distribution utilities kagaya ng electric cooperatives dito,โ€ ani Rep. Dagooc.

Ayon kay Rep. Dagooc, ang coal ang pangunahing ginagamit na pang-gatong ng mga malalaking planta na nagsusuplay ng kuryente; aniya, โ€œheavily coal-dependentโ€ ang energy mix ng ating bansa at tinatayang nasa 99% ng ating coal imports ay galing sa Indonesia.

โ€œOne of the commodities used for the generation of electricity is coal. Based on the latest Coal Statistics from the Department of Energy, 99% of the countryโ€™s coal imports are from Indonesia. Out of all the Coal Imports for 2021, 89.02% was utilized for power. Our present energy mix is heavily coal-dependent; drastically changing tax assessments in coal imports, especially without properly consulting the whole energy sector and its stakeholders, is a disservice to the people,โ€ lahad ni Rep. Dagooc.

Nilinaw rin ni Rep. Sergio Dagooc na hindi isinaalang-alang ng fixed rate ang ibaโ€™t ibang calorific value ng coal kagaya ng low-calorific value at high-calorific value; bunsod nito, maaaring ang power generators na gumagamit ng low calorific value coal ay mapilitang magtaas ng singil ng generation cost na magiging โ€œpass-onโ€ sa mga konsumante. Sa estima ng Philippine Independent Power Producers Association, Inc. (PIPPA), sa isang 600MW na planta, mahigit 1.70 per kWh ang itataas sa singil ng kuryente.

โ€œIn addition to the memoโ€™s total disregard of Calorific values, it also ignores different indexes used to contract and price coal. In a simulation conducted by the Philippine Independent Power Producers Association, Inc. (PIPPA), due to the AOCG memo, what was before a tax valuation of 26.5 million pesos was now reassessed to an amount of 49.5 million pesos. A difference of almost 23 million pesos. As a result of the flat rate, electricity prices may further increase by as much as 1.70 per kWh from a 600MW plant,โ€ dagdag ni Rep. Dagooc.

Giniit ni Rep. Dagooc sa Bureau Customs na hindi solusyon ang fixed rate sa coal imports at iminungkahi na panatilihing naka-base sa kasalukuyang โ€œsupply-and-demandโ€ ang buwis ng coal imports. Ayon sa Kinatawan, mas makakabuti umano kung may konsultasyon ang BOC sa sektor ng enerhiya bago magpataw ng polisiyang apektado ang sektor.

โ€œMr. Speaker, I call on the attention of the Bureau of Customs to consult the affected sector, the energy sector, on the unintended consequences of revising the tax rates on coal import. The issuance of this memo is counter-productive and detrimental to the electricity end-users. If the Bureau of Customs wishes to recoup losses through tax collection measures, they should not do it at the expense of religious payers; instead, I call for a more prudent and careful review of policies so as to determine the possible financial impact to the public,โ€ sabi ni Rep. Dagooc.

โ€œMarami tayong taxation leakages, ngunit naniniwala akong hindi ang pagtaas sa singil ng buwis sa coal imports ang solusyon; lalong hindi ang pagpataw ng karagdagang buwis na sisingilin kay Juan Dela Cruz. Maawa po tayo sa taumbayan na pinagkakasiya ang buwanang kita; Para po sa karamihan sa ating mga kababayan, ang bawat sentimo ay mahalaga; isipin po natin ang kalagayan nila bago tayo magpalabas ng mga polisiya na magdudulot ng dagdag pasanin sa kanila,โ€ dagdag pa ni Rep. Dagooc.

Bilang pagtatapos sa kanyang talumpati, hinikayat ni Rep. Dagooc ang Kongreso na tutukan ang polisiyang ito at gumawa ng karampatang aksyon upang mapigilan ang epekto nito sa presyo ng kuryente.

โ€œAlam ko po na iisa ang layunin ng Kongreso, kasama ang ibaโ€™t-ibang sangay ng gobyerno: tulungan ang bansa upang makabangon sa krisis na dulot ng pandemya; ngunit, bilang mga lingkod-bayan, responsibilidad natin na protektahan ang kapakanan ng mga nasa laylayan. Kapag hindi po nagawan ito ng akyson, ang mamamayan na tapat na nagbabayad ng buwis, ay mapipilitang maglaan ng mas malaking halaga sa kanilang bayarin sa kuryente. Hinihimok ko po ang Kongreso na mabigyan ng karampatang atensyon at agarang aksyon ang polisiyang ito, at tulungan natin tuparin ang pangako ng ating Pangulo na pababain ang presyo ng kuryente sa kanyang administrasyon,โ€ pagtatapos ni Rep. Dagooc.