LOOK: KASALUKAYANG INILILIPAT NG MGA TIELCO LINEWORKERS ANG MGA POSTE SA BGY. MATUTUNA, SAN ANDRES | AUGUST 16, 2022


Isinasagawa simula kahapon, hanggang sa ngayon ang paglilipat ng mga poste ng kuryente sa Bgy. Matutuna, San Andres na apektado ng road widening projects ng pamahalaan. Ang programang ito ay bahagi ng Joint Circular na nilagdaan sa pagitan ng Department of Energy (DOE) at Department of Public Works and Highways (DPWH).