LEYECO V BOARD OF DIRECTORS AT MANAGEMENT NAGSAGAWA NG BENCHMARKING ACTIVITY SA TIELCO TUNGKOL SA BAPA PROGRAM NITO | MAY 25, 2022


Nagsagawa ang Leyte V Electric Cooperative, Inc. (LEYECO V) (na naka basi sa Ormoc City), Board of Directors at Management Staff sa pamumuno ni Atty. Jannie Ann Dayandayan, General Manager ng LEYECO V ang Benchmarking activity sa franchise area ng TIELCO kahapon Mayo 24, 2022 upang personal nitong makita ang matagumpay na operasyon ng mga Barangay Power Association (BAPA) ng TIELCO at paano ito nakatulong ng malaki sa operasyon ng koopetiba. Inilahad ni TIELCO General Manager Dennis L. Alag ang success story ng BAPA sa Tablas at Carabao Island na pinasimulan ng taong 1988. Sinamahan din ng mga kawani ng TIELCO ang mga opisyal ng LEYECO V sa SUWECO Tablas Energy Corporation (STEC) Diesel at Solar Plants upang makita nito ang pinagkukunan ng enerhiya sa Isla ng Tablas. Ipinakita din sa mga bisita ang mga natatanging tanawin sa isla ng Tablas na nadaanan nito patungo sa bayan ng San Agustin.
 
Pagkatapos ng isang araw ng Benchmarking activity, tumuloy ang grupo ng LEYECO V sa area coverage ng Romblon Electric Cooperative, Inc. (ROMELCO) upang magsagawa din ng benchmarking activity tungkol sa Renewable Energy Program nito