TIELCO NAKIBAHAGI SA PANDAIGDIGANG PAGLILINIS NG MGA DALAMPASIGAN | MAY 21, 2022


Odiongan. Romblon (May 21, 2022) Nakibahagi ang mga kawani ng Tablas Island Electric Cooperative,Inc. (TIELCO) sa isinagawang paglilinis ng mga dalampasigan kasama nang ibat ibang kawani ng pamahalaan at pribadong kompanya sa lalawigan ng Romblon bilang pagtugon sa adhikain na ma proteksyonan ang yamang dagat na patuloy na nasisira dahil sa mga basurang itinapon sa dalampasigan at mga laot. Kadalasan ang mga basurang ito lalot higit ang mga kagamitang gawa sa plastic ay siyang sumisira sa coral reefs na malaking bahagi sa pagpapananitili na ecological balance ng mundo.

Pinangunahan ng Provincial Environment and Natural Resources Office ng DENR ng Romblon ang isinagawang coastal clean up.