TINGNAN: Institutional Services Department (ISD) ng TIELCO nagsagawa ng Information and Education meeting sa MCO ng Bgy. Long Beach, San Andres | April 25, 2022


Kasalukuyang nagsasagawa ng Information and Education Meeting ang Institutional Services Department (ISD) ng TIELCO sa Member-Consumer-Owners ng Barangay Long Beach sa bayan ng San Agustin, Romblon na dinaluhan din ng mga MCOs ng Barangay Cawayan ng nasabing bayan. Ang Information at Education Campaign ay regular na programa nang TIELCO na naglalayung maiparating ang mga programa at polisiya ng kooperatiba sa mga MCOs nito upang higit na maintindihan ng mga kasapi ang natatanging layunin ng electric cooperatives.