MAY ILAW NA! PUROK 1 BAGACAY, LINAO | APRIL 28, 2022


Naging isang munting regalo para sa isang Bapa Chairman na nagdiwang ng kaarawan kahapon ang pagpapailaw sa Purok 1 Bagacay, Linao, Calatrava, ika-27 ng Abril 2022.
 
Hindi alintana ang gutom at pagod ng mga empleyado, konsumedores, at mga opisyal ng Barangay sa pagtutulungan at pagkakaisa upang mapailawan ang labing-pitong (17) konsumedores na nabigyan ng libreng pailaw sa pamamagitan ng Sitio Electrification Program.
 
Isang malaking regalo naman sa lahat ng bagong myembro ng Purok 1 Bagacay ang pagkakaroon ng linya ng kuryente sa kanilang lugar upang makatulong sa antas ng kanilang pamumuhay, isa na rito ang pag-aalaga ng baboy na syang pangunahing pinagkukunan ng kanilang pang araw-araw na ikinabubuhay. Malayo man ang lugar, tiniyak naman ng mga taga Sitio Purok 1 Bagacay na kanilang iingatan ang linyang pinagkaloob ng ating gobyerno kaakibat ng TIELCO sa maayos na paraan.
 
Ang kasiyahan ng bawat myembro ng Sitio Purok 1 Bagacay ay isa sa mga hangarin ng kooperatiba para ipaglaban sa mga nagnanais na kumuha at gawing pribado ang koop. Isa din ito sa mga nagbibigay inspirasyon at kasiyahan sa mga empleyado ng ating kooperatiba ang makitang masaya at makatulong sa bawat konsumedores na nangangailangan ng kuryente.
 
Dinaluhan ang pormal na pailaw ng mga empleyado ng ating kooperatiba kasama ng masisipag na opisyales ng Barangay Linao, Calatrava.