April 13, 2022
| No Comments
Napailawan na ang pinakamahabang linya na may pinakamaraming konsumedores na nakatanggap ng libreng materyales para sa pailaw. Ika-lima sa napailawan na Sitio ngayong taon ang Sitio Agcalafe, Pato-o, Odiongan, Romblon na may tatlumpu’t isang (31) konsumedores noong Biyernes, ika-8 ng Abril 2022 sa pamamagitan ng Sitio Electrification Program, ang programang naglalayon na pailawan ang malalayo at liblib na mga lugar.
Tila hindi ramdam at alintana ang pagbuhos ng malakas na ulan habang nagbibigay ng ‘Education Campaign’ ang mga empleyado ng TIELCO upang maipaabot kung paano pangalagaan ang linya na binigay ng ating gobyerno sa maayos na paraan. Makikita ang pagkakaisa ng bawat myembro simula sa araw ng pagpapatayo sa mga poste hanggang sa pagpapailaw ng linya.
Isa lamang ito sa mga lugar na may pinakamahabang linya na napailawan sa pamamagitan ng SEP. Hindi alintana ang hirap ng buhay para magkaroon ng kuryente sa mga liblib na lugar na mahirap abutin. Sa programang ito ng gobyerno ay hindi imposible ang iniisip ng mga taong ang hangarin ay magkaroon ng ilaw kahit ilang kilometro ang layo at ilang bundok pa ang aakyatin. Maraming mga estudyante ang matutulungang makapag-aral na hindi nahuhuli sa klase at sistema ng edukasyon sa panahon ngayon.
Sa Sitio Agcalafe, hangarin ng gobyerno natin kaagapay ang TIELCO na mabigyan kayo ng maliwanag na gabi, higit sa lahat ang magkaroon ng mas produktibong lugar sa mga darating na panahon. Matulungan ang mga estudyanteng nagsusumikap makapagtapos at magkaroon ng maginhawang buhay balang araw.
Dinaluhan ang pormal na pagpapailaw sa lugar kasama ang mga empleyado ng kooperatiba sa pangunguna ng Institutional Services Department, Engr. Wenzyl F. De la Vega, Ethel Lachica, Edison Baniago Jr., Zandro Ferrer at Eduardo Makig-angay, kasama ang Engineering Team, Engr. Paul Famero, Foreman Dante Malunes and team.