March 25, 2022
| No Comments
MANINGNING na ang magiging gabi ng mga taga-Sitio Guintiguian, Limon Norte, Looc, Romblon matapos itong opisyal na pinailawan ngayong araw, February 22, 2022 sa isinagawang Energization Ceremony ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) sa pamamagitan ng Sitio Electrification Program ng pamahalaan na naglalayong magpailaw sa mga malalayong komunidad.
Layunin ng programang ito na mapailawan ang mga sitio at mabigyan ng libreng pailaw ang mga kabahayan.
Labing-apat (14) na pamilya na naman ang ating napasaya at napaiyak sa galak sa kadahilanang hindi nila lubos maisip na sila ay magkakaroon ng kuryente sa kanilang lugar. Mga studyanteng makakapag-aral ng maayos sa gabi sa gitna ng dilim na kanilang naranasan sa mahabang panahon. Dahil sa layunin ng ating pamahalaan kaakibat ng ating kooperatiba, ang matagal na pinangarap ng labingapat (14) na pamilya sa sitio Guintiguian ay natupad na.
Isang Energization Ceremony ang ginanap sa Brgy. Limon Norte, Looc, kasama ang presensya ng labing-apat (14) na pamliya, kasama sina Hon. Mayor Lisette M. Arboleda, General Manager Dennis Alag, Brgy. Captain Macario Gallos at mga Brgy. Opisyal, Director Henry Filaro, ESD Manager Engr. Amante S. Jandoc, COMD Manager Fred F. Siscar, Service Dropping Team sa pangunguna ni Engr. Jan Jade Fradejas at ISD staffs Engr. Wenzyl F. De la Vega, Edison Baniago Jr., Rainier Fabella, Zandro Ferrer at Housewiring Inspector Eduardo Makig-angay.