UMIYAK SA GALAK ang dalawampung (20) bagong konsumedores kasama ang kanilang pamilya sa Sitio Lumandong, Limon Norte, Looc, Romblon matapos itong pormal na pailawan ngayong araw, March 23, 2022 sa isinagawang Energization Ceremony na ginanap ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO), ang ikaapat na BAPA na napailawan sa pamamagitan ng Sitio Electrification Program. Layunin ng programang ito na mapailawan ang mga lib-lib at kasuluksulukang mga sitio na may higit sampong myembro.
Isang Energization Ceremony ang ginanap sa Brgy. Limon Norte, Looc, para pormal na pailawan ang nasabing sitio kasama ang presensya ng dalawampu (20) na pamilya, kasama sina Hon. Mayor Lisette M. Arboleda, Brgy. Capt. Macario Gallos at mga Brgy. Opisyal, Dir. Henry Filaro, at mga empleyado ng TIELCO from Institutional Services Dept.(ISD) and Engineering Services Dept. (ESD).