JUST IN: NAGPAPANGGAP NA “COLLECTOR” NG TIELCO


Huwag maging biktima ng Budol-Budol. March 5, 2021(Biyernes) May isang babae na umiikot at nagpapakilalang collector daw siya ng TIELCO at ito ay nangyari sa Brgy. Libertad, Odiongan, Romblon.

 

Para po sa kaalaman ng lahat, ang lahat po na collector ng TIELCO na umiikot para maningil ay lalaki, at pag sila po ay nangongolekta ng bayad sa kuryente ay naka uniform, may nakasabit na I.D. at may binibigay na  (white bill) or Official Bill Receipt. Kaya sa lahat ng Member-Consumer-Owner (MCO) ng TIELCO ugaliin po nating humingi ng Official Receipt kung tayo po ay magbabayad ng kuryente upang makaiwas tayo sa mga taong mapagsamantala.

 

TIELCO Management.